Ignis

Artwork by Kate Ylagan

Tila ako'y isang nauupos na kandila.
Pilit kong pinagliliyab ang maikling mitsang tulad ng aking pang-unawa,
Habang ang silakbo ko'y nalunod na sa lusak ng aking mga luha.

Kinuha mo sa akin ang lahat ng kaya kong ibigay -
Oras, pagtitiwala, pagmamahal, pagkatao.
Ang aking lakas ay naging iyo rin.
Ngunit wala ka man lang itinira para sa akin.

Darating ang araw na mamamatay ang alab na aandap-andap,
At tuluyan akong maglalaho sa dilim.
Gayunpama'y hindi mo pa rin ako magagawang intindihin.

Posted in 2016


RM

To see more of Kate Ylagan's works, visit her Facebook page Obra ni Keyt.

Comments

You may also like